Skip to main content

World Malaria Day 2024

Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng San Antonio sa pagdiriwang ngayong araw Abril 25, 2024 ang WORLD MALARIA DAY.
Ang tema ng World Malaria Day 2024 ay “Accelerate Fight Against Malaria for a More Equitable World.”

Ang taunang pag-obserba tuwing ika-25 ng Abril ay naglalayon na itaas ang pagsisikap ng buong mundo na kontrolin at tuluyang wakasan ang malaria.
Ang World Malaria Day ay nagsimula noong 2008, isang taon matapos itong itatag ng mga Member States ng World Health Organization (WHO) noong World Health Assembly taong 2007.
Dito sa Pilipinas, ang malaria ay nadokumento bilang isang public health concern mula noong 1521. Nagsimulang mangalap ng data nong 1920 nang maorganisa ang Malaria Control Program.
Ang paglagda ng Presidential Decree No. 72 noong ika-27 ng Nobyembre, 1972 ang nagpatibay upang maging matagumpay ang mga kampanya sa pagsugpo ng malaria sa bansa.
Municipal Health Office

“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”

Official Website of San Antonio, Province of Zambales