Skip to main content

TIGNAN: Hunyo 12, 2024 | 126th Philippines Independence Day

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng San Antonio, Zambales ay buong pusong ipinagdiwang ang ika-126 taong Araw ng Kalayaan sa pangunguna ng ating mahal na MAYOR EDZEL LONZANIDA, MD, mga opisyales ng gobyerno at kasama din sa dumalo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at non government organizations.
Ang Araw ng Kalayaan ay hindi lamang isang pagdiriwang, kundi isang pag-alala sa kagitingan, sakripisyo at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno. Ito ang araw na sumasalamin sa ating pagkakaisa, pag-asa, at pangarap para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bansa.
Sa araw na ito, ating alalahanin at ipagbunyi ang mga nagbigay ng kanilang buhay at lakas upang tayo ay magkaroon ng kalayaan. Mabuhay ang Pilipinas.
“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”

Official Website of San Antonio, Province of Zambales