Skip to main content

Pamisaraoan 175th Foundation Day & Pusit Festival: Binibining San Antonio 2024

Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ng mga taga suporta ng ating mga Kandidata ng Binibining San Antonio 2024 bilang parte ng programa ng ating Pamisaraoan 175th Foundation Day & Pusit Festival. Nakamit ang korona at itinanghal na Binibining San Antonio 2024 si AXL ROSE AGUIRRE ng Barangay San Nicolas base sa mga criteria ng ating mga magagaling na hurado na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan.
Napakainit ng pagtanggap ninyo San Antonians na kung saan nakita namin ang buong suporta ng bawat isa maging sa personal man o online at maging sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa na nakatutok sa ating mga programa ng ating bayan. Isang mainit na pagbati parin sa mga hindi pinalad na makapasok dahil ipinakita niyo parin hanggang sa huli ang inyong kakayahan at galing upang magkaroon ng magandang palabas para iripresenta ang inyong mga barangay.
“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”

Official Website of San Antonio, Province of Zambales