
National Police Clearance System In Our Municipality
Magkakaroon na po tayo ng sarili nating NATIONAL POLICE CLEARANCE SYSTEM (NPCS). Dahil dito, hindi na natin kailangan pang pumunta sa ibang lugar para lamang makapag-apply ng National Police Clearance.
Sa kagustuhan po ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor EDZEL L. LONZANIDA, MD, Vice Mayor Atty. JONATHAN BACTAD and Council at sa koordinasyon ni Police Major NOEL SITJAR,
naisakatuparan na po ang kahilingan ng ating mga minamahal na kababayan na magkaroon ng sarili nating NATIONAL POLICE CLEARANCE SYSTEM dito sa ating bayan ng San Antonio.
“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”