Skip to main content

MAYOR EDZEL LONZANIDA at NBI ASSISTANT DIRECTOR NOEL C. BOCALING

Masayang kwentuhan mula sa ating butihing MAYOR EDZEL LONZANIDA at NBI Assistant Director NOEL C. BOCALING na kung saan nagkaroon ng pagkakataon upang pag-usapan ang napakagandang plano ng ating alkalde na magkaroon tayo ng sariling NBI CLEARANCE CENTER sa ating bayang San Antonio sa kagustuhang hindi na mapalayo, mahirapan sa pagpila at mapagastos pa sa pamasahe ang ating mga kababayan sa pagkuha ng NBI Clearance sa ibang bayan. Maalalang noong nakaraan sa pamunuan ng ating Mayor ay nagkaroon tayo ng sarili nating National Police Clearance System na siyang napapakinabangan ng ating mga kababayan at mga kalapit bayan, ngayon naman ay pursigido ang ating Mayor EDZEL LONZANIDA na magkaroon ng sariling NBI Clearance Center at hindi naman nagdalawang isip ang ating butihing NBI Assistant Director na tanggapin ang ating mungkahi na siyang ikinatuwa ng ating Mayor. Sa pagtutulungan at maayos na pakikipagkomunikasyon ay naisasakatuparan natin ang mga kahilingang para sa ating mga minamahal na kababayan.
“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”

Official Website of San Antonio, Province of Zambales