Skip to main content

Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon – SWAIB o Swine Artificial Insemination sa Barangay

Pagsuporta sa sektor ng Agrikultura sa bayan ng San Antonio. Pinaunlakan ng ating butihing MAYOR EDZEL LONZANIDA ang imbitasyon ng San Antonio Goat Raiser Association (SAGRA) upang magkaroon ng munting salo-salo at mapag-usapan na rin ang mga kailangan pang bigyan ng pansin pagdating sa pag-aalaga ng mga livestock. Tanging ang bayan lang ng San Antonio sa buong ZambaLes ang binigyan ng pagkakataon na maipalaganap ang tinatawag na SWAIB o Swine Artificial Insemination sa Barangay na kung saan nakakapag produce tayo ng mga similya na siyang pinaparami upang magkaroon ng mataas na kalidad na alagang baboy. Nakasama rin ang blessing ng bagong itinatayong establisyemiento na makakatulong sa kanilang proyekto na ang benipisyaryo ay ang San Antonio Swine Raisers Association Inc. Suportado ang ating alkalde sa ganitong mga magagandang programa na siyang ikakaunlad ng agrikultura ng ating bayang San Antonio.
“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”

« of 2 »

Official Website of San Antonio, Province of Zambales