Skip to main content

Groundbreaking Ceremony Renovation of San Antonio Sports Center & Auditorium

Groundbreaking Ceremony
Renovation of San Antonio Sports Center & Auditorium.
Sa kooperasyon ng ating butihing MAYOR EDZEL LONZANIDA, pinangunahan ng ating mahal na Congresswoman NANAY BING MANIQUIZ ang seremonya na dinaluhan ni Hon. JUDE ACIDRE ng Tingog Party-List, Hon. BOARD MEMBER LUGIL RAGADIO at ng ating SANGGUNIANG BAYAN na pinapangunahan ng ating butihing VICE-MAYOR Atty. JOJO BACTAD, Municipal Heads & Employees, Barangay Officials, School Heads/Teachers at mga ilang Non-government officials.
Hangarin natin na mapaganda ang ating Sports Center at Auditorium upang mas kaaya-aya at mas modernong desenyo para mapakinabangan hindi lang ng ating lokal na pamahalaan kundi pati na rin sa ating mga kababayan. Binisita rin ng ating Congresswoman ang ilang mga establisyemento na ipapatayo at mga kasalukuyang ginagawa sa ating bayan tulad ng bagong itatayong 2 storey/6 classrooms Multi Purpose Building sa East Dirita Elementary School, Hospital sa NETDC at mga training centers. Malaking tulong sa ating bayan ang mga ganitong imprastraktura para sa mas kalidad at moderno na siyang mapapakinabangan ng nakararami lalo na ng ating mga kababayan dito sa bayan ng San Antonio.
Muli, Buong pusong pasasalamat para sa ating kagalang-galang na House of Represantatives HON. FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ, CONGRESSWOMAN Hon. DORIS NANAY BING MANIQUIZ, Hon. Gov. HERMOGENES EBDANE JR at Tingog Party-List Representative Hon. JUDE ACIDRE na silang naging instrumento upang maisakatuparan ang proyektong matagal nang inaasam ng ating mga kababayan.
Mabuhay po kayo!
“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”

Official Website of San Antonio, Province of Zambales