Skip to main content

GENERAL ASSEMBLY ng mga SENIOR CITIZENS ng Barangay San Nicolas

TIGNAN! masayang dinaluhan ng ating butihing MAYOR DR. EDZEL L. LONZANIDA ang isinagawang GENERAL ASSEMBLY ng mga SENIOR CITIZENS ng Barangay San Nicolas sa pangunguna ni Gng Myrna Gutierrez. Dumalo din sa naturang pagpupulong si Kapitan Rolando Funiestas, mga kagawad na sina Evelyn Basilio, Carmelita Asio at Lonie Alpero, MSWDO Staff, OSCA Head Wilma Maigue. Layunin ng pagpupulong ay upang maipaabot sa ating mga Senior citizens ang kanilang programa lalong lalo na ang kanilang mga pangangailangan at benepisyo. Ipinaabot din ng ating mahal na mayor ang kanyang mga programa para sa kanila at iba pang.mga gngwa para sa ating bayan.
Lubos na nagalak at nag-uumapaw ang kaligayahan ng ating mga lolo at lola sa pagdating ng ating Mayor at nangakong patuloy silang makikiisa sa kanyang layunin na pagandahin lalo ang ating bayan.
Mabuhay ang ating mga Senior Citizens ng San Nicolas
Salamat.po sa imbitasyon
Maraming salamat po sa.inyong pakikiisa
MABILIS NA TUGON, MATALAS NA SOLUSYON

Official Website of San Antonio, Province of Zambales