Skip to main content

Defogging o Anti-Dengue Misting Campaign sa Purok 2, West Dirita

Alinsunod sa direktiba ng masipag at mapagmalasakit na Mayor, Dr. Edzel L. Lonzanida, isinagawa ng Municipal Health Office sa pamamagitan ng Sanitary Office na pinangungunahan ni Mr. Ronnie A. Padua at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang defogging o anti-dengue misting campaign sa Purok 2, West Dirita. Sa pakikipagtulungan ng konseho ng West Dirita na pinangungunahan ni Punong Barangay Eric Callo, ang hakbang na ito ay ginawa upang maiwasan at hindi na lumala ang kaso ng dengue.
Gayunpaman, pinapaalalahanan pa rin tayo na panatilihing malinis ang kapaligiran, lalo na sa pagtapon ng mga bagay na maaaring pag-imbakan ng tubig kung saan namumugad at nangingitlog ang mga lamok.
“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon.”

Official Website of San Antonio, Province of Zambales