Skip to main content

Ang SGLG o Seal of Good Local Governance Regional Assessment ay matagumpay na naisagawa nitong Huwebes Hunyo 6, 2024

TIGNAN: Ang SGLG o Seal of Good Local Governance Regional Assessment ay matagumpay na naisagawa nitong Huwebes Hunyo 6, 2024 ng Local Government Unit ng San Antonio, Zambales.
Ang pagtatasa ay dinaluhan ng lahat ng focal person at department heads sa pangunguna ni Mayor Edzel L. lonzanida, VM Atty. Jojo Bactad at SB Members na iharap ang mga dokumentong nagpapakita ng pagpapatupad ng mga mandato bilang lokal na pamahalaan. Sinukat din nito ang kakayahan at kahusayan ng ating lokal na pamahalaan sa iba’t ibang aspeto ng pamumuno tulad ng
1. Financial Administration and Sustainability
2. Disaster Preparedness
3. Social Protection and Sensitivity
4. Health Compliance and Responsiveness
5. Sustainable Education
6. Business-Friendliness and Competitiveness
7. Safety, Peace and Order
8. Environmental Management
9. Tourism, Heritage Development, Culture and Arts and
10. Youth Development
at iba pang mga gawi ng administrasyong Lonzanida noong nakaraang taon 2023.
Patuloy na magsisikap ang lokal na pamahalaan ng San Antonio upang makamit natin ulit ang SGLG Award para kilalanin ang munisipyo hindi lamang sa magagandang tourist attraction kundi bilang isang munisipalidad na may mabuting pamamahala. Nagpapasalamat si Mayor Edzel Lonzanida sa lahat ng ating mga departamento sa pangunguna ng ating mga department head at staff, DILG LGOO VII Cristy M. Blanco, DILG LGOO V Joanna Marie M. Cruz, CSO Romualdo P. Ramos at ng Regional Assessment Team.
“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”

Official Website of San Antonio, Province of Zambales