Skip to main content

9 na pamilya na ang nailikas sa kani-kanilang mga tahanan

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan ay mayroong 9 na pamilya na ang nailikas sa kanikanilang mga tahanan upang maging ligtas at nasa kalinga ngayon ng MSWDO sa San Antonio Evacuation Center. Nasa 42 katao ang nailikas. 6 na pamilya mula sa Brgy San Juan at 3 pamilya mula sa Brgy San Nicolas.
Sa pagtigil sa evacuation center, sila ay binigyan ng orientation ng MSWDO head Mdm. Corazon Zamora sa mga bagay na kailangang ihanda at gawin sa oras ng kalamidad o disaster. Bukod sa food packs na galing sa LGU San Antonio, nagbigay din ng tulong ang opisina ng provincial governor.
July 29, 2021
#mswdocares

Official Website of San Antonio, Province of Zambales