Skip to main content

354 BENEPISYARYO NG ATING TUPAD o TULONG PANGHANAPBUHAY SA ATING DISADVANTAGED/DISPLACED WORKERS

354 Benipisyaryo ng ating TUPAD o TULONG PANGHANAPBUHAY SA ATING DISADVANTAGED/DISPLACED WORKERS sa ating bayang San Antonio. Nakatanggap ng tag limang libong piso (P5,000) ang bawat isa kapalit ng kanilang sipag at pagtatrabaho sa pamayanan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Pinangunahan ng ating butihing MAYOR EDZEL LONZANIDA ang pamamahagi sa tulong ng ating butihing Senador JINGOY ESTRADA sa ilalim ng DOLE, matagumpay na naipamahagi ang kanilang insentibo at umaasa ang ating alkalde na makakatulong ito lalong lalo na sa pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya. Asahan pa ninyo na marami pang mga programa ang maiihatid sa ating mga kababayan sa tulong ng inyong suporta na ipagpatuloy ang serbisyong may puso at dedikasyon sa bayan ng San Antonio.

“Mabilis na Tugon, Matalas na Solusyon”

Official Website of San Antonio, Province of Zambales